-- Advertisements --

Patuloy ang pagtaas ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).
Sa datos ng PNP Health Service, umabot na ito sa 2,100 habang nakapagtala rin ng 219 new cases ng COvid-19 ang PNP.

Sa kabuuan, nasa 34,625 police personnel na ang lahat ng tinamaan ng sakit mula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

Sa kabila ng pagtaas ng Covid-19 cases sa PNP, nadagdagan naman ang mga gumaling sa virus na umabot na ngayon sa 32,421 matapos makapagtala ng 94 new recoveries.

Nananatili naman sa 104 ang mga binawian ng buhay sa COVID-19 sa hanay ng pulisya.

Patuloy na hinihimok ng PNP ang kanilang mga tauhan na magpa bakuna na para may proteksiyon ang mga ito laban sa nakamamatay na virus.

Mahalaga na magpabakuna laban sa Covid-19 lalo at mataas pa rin ang banta ng Delta variant.