-- Advertisements --
Sumampa na sa 29 na mga police personnel ang nasawi dahil sa Covid-19 virus.
Ito ang iniulat ng PNP Health Service kagabi, na pumanaw noong January 25,2021 dahil sa kidney failure matapos mag-positibo sa Covid 19 ang isang Police Non Commissioned Officer ng Carmen Municipal Police Station sa Police Regional Office (PRO) 11.
Nabawasan naman ng isa ang bilang ng aktibong kaso ng Covid 19 sa hanay ng PNP, na nasa 614 kagabi mula sa 615 kamakalawa.
Nakapagtala ang PNP Health Service ng 34 na recoveries at 33 bagong kaso as of 6PM kagabi.
Mula nang magsimula ang pandemya, nasa 10,219 na tauhan ng PNP ang tinamaan ng Covid 19, kung saan 9,576 ang naka-rekober.
















