-- Advertisements --

tagkawayan2

Ininspeksyon ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar kaninang umaga ang Tagkawayan Municipal Police Station sa Quezon Province na bahagi sa pagpapatupad ng kanyang “Intensified Cleanliness Campaign” policy.

Ayon sa PNP Chief, kusang hindi siya nag-inspeksyon nitong weekend matapos inanunsyo ang kanyang kampanya para sa mga malinis at maayos na istasyon ng pulis para ang istasyon sa kanyang “hometown” ang una niyang mapuntahan.

Matapos ang inspeksyon, pinangunahan ni Gen. Eleazar ang pagpapanumpa sa tungkulin ng mga support groups at force multipliers ng Tagkawayan PNP na katuwang ng mga pulis sa pagpapanatili ng kaayusan.

Ang inspeksyon ay bahagi ng pagbabalik ng PNP chief sa kanyang “Home Town” para magbigay pugay at magpasalamat sa kanyang mga kababayan.

tagkawayan1

Sa kanyang pagharap sa kanyang mga kababayan, hindi napigilan ni Gen. Eleazar na maluha nang isalaysay niya kung paano nagtungo ng Maynila ang isang batang paslit mula sa Tagkawayan upang mag-exam sa PMA, at ngayon ay bumabalik sa Tagkawayan bilang isa ng PNP chief.