-- Advertisements --

gamboa 4

Nagbabala si PNP chief Gen. Archie Francisco Gamboa na kanilang kakasuhan ang mga nagpapakalat ng fake news sa social media lalo na duon sa mga lumang larawan na sinasabing ito ay kuha sa Baguio City kung saan nagpa party ang pinuno ng pambansang pulisya.


Sinabi ni Gamboa maaring maharap sa kasong paglabag sa Anti-Cybercrime Law ang mga nagpakalat ng larawan dahil ang mga kasama niya sa mga litrato ay mga pribadong indibidwal at maaaring malabag ang kanilang privacy.

Hindi natuwa si PNP Chief sa paglutang sa social media ng umano’y pakikipag party niya sa Baguio City.

Panawagan ng PNP chief sa mga netizen, i-delete at huwag nang ipakalat ang mga larawan.

Nanindigan naman si Gamboa na simpleng dinner lang at hindi party ang naganap nitong weekend sa Baguio City.


Batay kasi sa lumabas na mga larawan ipinapakita dito si Gamboa kasama ang kanyang mga bisita na hindi naka-face mask sa isang “mass gathering”.

Ang mga larawan ay in-upload umano ng isa sa mga dumalo sa pagtitipon, pero na-delete na ang mga ito.

Paliwanag nito, ang mga sinasabing larawan ay hindi kuha sa Baguio kundi sa dinner para sa Chief PNP sa Manila noon pang Pebrero.

Wala pa aniya noong quarantine regulations noon dahil March 16 ang unang deklarasyon ng state of emergency.

Binigyang-diin ni Gamboa, walang live band at walang concert sa nangyaring dinner sa Chief PNP Guest house sa Baguio nitong weekend.

Una nang ipinaliwanag ni Gamboa na ang pag-akyat niya sa Baguio nitong weekend ay properly coordinated Kay Baguio Mayor Benjamin Magalong, at bahagi ito ng pag-iikot niya sa iba’t ibang Police Regional Offices upang magpaalam sa kanyang nalalapit na pagreretiro sa Sept. 2.