PNP chief gamboa 2
PNP chief Gen. Archie Francisco Gamboa

Pinuri ng Philippine National Police (PNP) ang tagumpay ng PNP Region 3 sa pagkaka-aresto sa isang mataas na opisyal ng New People’s Army (NPA).

Ayon kay PNP chief Gen. Archie Francisco Gamboa, na sa ilalim ng pamumuno ni Brig. Gen. Rhodel Sermonia, mahigpit na naipatupad ang Executive Order 70 na End Local Communist Armed Conflict.

Kumander Bilog Salas NPA
Kumander Bilog Salas NPA

Ito ay matapos mahulog sa kamay ng mga otoridad si Rodolfo Salas alyas Commander Bilog.

Pagtitiyak ni Gamboa, magpapatuloy ang kanilang legal offensive action laban sa mga communist-terrorists group, at lahat ng criminal, economic at organizational support systems na tumutulong sa mga rebelde.

Nabatid na si Salas ay mayroong 15 bilang ng kasong murder.

-- Advertisement --

Siya ang namuno sa NPA noong 1976 matapos mahuli si Bernabe Buscayno alyas Kumander Dante.

Maliban dito, dati rin siyang namuno sa CPP Central Committee.