Ipinag-utos ni PNP chief police Director General Ronald dela Rosa ang lahat ng mga shabu na gamit na ebidensiya ng PNP Crime Laboratory.

Ang PNP Directorate for Investigation and Detection Management ang inatasan ni PNP chief na magsagawa ng imbentaryo sa lahat ng mga shabu na ebidensiya sa PNP Crime Lab para matiyak na intact ang mga ito.

Ginawa ni Dela Rosa ang direktiba kasunod ng pagkaka aresto sa mataas na opisyal ng PNP Crime Lab na si Superintendent Lito Cabamongan habang nag-pot session at mawala rin ang agam-agam na nagkakaroon ng recycling ng droga.

Pabiro pang sinabi ni Dela Rosa na kailangan sa lalong madaling panahon ma imbentaryo na ang mga shabu para hindi mapalitan ng tawas.