-- Advertisements --

Hiniling ni PNP chief Gen. Archie Francisco Gamboa sa media na respetuhin ang kanilang request na huwag pangalanan ang nasa 357 narco cops na nasa drug watchlist ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang pahayag ni Gamboa ay bunsod sa lumabas na report kung saan pinangalanan si Lt. Col. Jovie Espenido sa isa sa mga nasa listahan daw ng Malacanang.

Inihayag ni PNP chief na siya ay nainsulto hinggil sa paglabas ng pangalanan ni Espenido gayong hiniling nito na huwag munang pangangalan.

Aniya, hangga’t pending pa ang validation and investigation sa mga ito hindi dapat ilabas sa media ang mga identities ng mga ito.

Nangako naman si Gamboa na sandaling may pruweba laban sa mga ito kanilang ilalabas ang mga pangalan ng mga narco cops.

Ngayong araw sinimulan na ng PNP ang adjudication process sa mga umano’y narco cops.