-- Advertisements --

Nagbabala si PNP chief Police General Guillermo Eleazar sa mga residente ng Metro Manila na nasa probinsiya ay hindi makakabalik habang ipinapatupad ang enhanced community quarantine.

Ayon pa sa PNP chief na dapat patapusin pa ng ECQ at maaari na silang makabalik kapag nasa general community quarantine (GCQ) na.

Ito aniya ang dahilan kaya naglagay ang kapulisan ng mga border checkpoints.

Magugunitang inilagay sa ECQ ang Metro Manila dahil para mapigilan ang pagtaas ng bilang ng Delta variant ng COVID-19.