Ipinaliwanag ni PNP chief PDGen. Ronald Dela Rosa kung bakit nag negatibo sa drug test ang principal suspek sa pag masaker sa limang miyembro ng pamilya sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Ayon kay Dela Rosa na posible na yung drugs na ginamit ng suspek na si Carmelino Ibanez ay mahina ang quality o mababa ang quantity kung kayat matapos ang 48 oras ay natatanggal na ito sa katawan.

Una ng inamin ng suspek na dahil siya ay lango sa droga at lasing kung kayat nagawa niyang patayan ang limang miyembro ng pamilya.

Inamin din nito na kaniyang ginahasa sina Estrella at Aurora.

Naniniwala naman si Dela Rosa na ang ginawang pag amin ni Ibanez sa krimen ay malaking epekto sa kasong isinampa laban sa kaniya na rape at murder kumpara sa nag negatibong drug test.

Kinumpirma din ni PNP chief na tatlo ang kanilang natukoy na suspek sa pag masaker sa Bulacan.

Sa ngayon pinaghahanap na ang isang Inggo.

Pagtiyak naman ni Dela Rosa na ginagawa nila ang lahat para mabigyan ng hustisya ang pamilya ng mga biktima.