Kinumpirma ni PNP chief PDGen. Ronald Dela Rosa na personal na mino-monitor ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sensational crimes lalo na ang kasong massacre sa Bulacan.

Sinabi ni Dela Rosa na kaniyang binibigyan ng update si Pang. Duterte kaugnay sa kaso dahil hindi umano nakakatulog ang pangulo dahil nanggigil ito gaya ng nangyari sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Aminado si PNP chief na emotionally invested ang pangulo sa nasabing kaso.

Batay sa naging pahayag ni Pang. Duterte, kaniyang sinabi na dapat patayin din ang suspek dahil sa kaniyang pagpatay sa limang miyembro ng pamilya kabilang ang tatlong menor-de- edad.

Sa kabilang dako, tiniyak naman ni Dela Rosa na kanila ng tinutugis ang isa pang suspek na sangkot sa pag masaker sa limang miyembro ng pamilya.

Pinaliwanag naman ni PNP chief kung bakit pinakawalan ang ikalawang suspek, ito ay dahil wala pang nakikitang mabigat na ebidensiya ang pulisya laban dito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here