Hangad ni PNP chief PDGen. Oscar Albayalde ang isang isang mapayapa at ligtas na bansa para sa mga Pilipino ngayong Pasko.

Mensahe ito ni PNP Chief sa pagdalo nito sa Midnight Mass kagabi sa St. Joseph Chapel sa loob ng Kampo Crame, Quezon City.

Hiling din ni Albayalde na mapataas pang lalo ang kalidad ng kanilang pagseserbisyo na may disiplina at propesyunalismo sa sambayanan.

Umaasa rin ang PNP Chief na maisapuso ng bawat Pulis ang mga aral ng kapaskuhan tulad ng pananampalataya, pag-asa at pagmamahalan sa kanilang pagharap sa mga darating na pagsubok habang nasa kanilang trabaho.

Una ng sinabi ni Albayalde na paigtingin pa nila ang kanilang pagtatrabaho para mapanatili ang peace and order sa bansa.