Sorpresang binisita ni PNP chief Gen. Ronald Dela Rosa ang mga tauhan ng Special Action Force (SAF) na nagbabantay sa mga high profile inmate ng Bilibid na nakakulong sa AFP Custodial Center sa Kampo Aguinaldo.

Halatang nabigla ang mga taga-SAF at hindi inakalang pupuntahan sila ng PNP chief.

Mismong officer nito ay mayroong 20 minutong pinalipas bago nito hinarap si Dela Rosa.

Mahigpit ang bilin ni Dela Rosa sa SAF sa Camp Aguinaldo na gawin nang tama ang kanilang trabaho at huwag sirain ang kanilang magandang imahe.

Ginawa ni Dela Rosa ang pahayag sa harap ng rebelasyon ni Sen. Leila De Lima na nabibigyan ng VIP treatment ang grupo ni Herbert Colangco sa AFP Custodial Center.

Gayunpaman, batay sa pahayag ng mga taga-SAF kay Dela Rosa, wala namang nakapapasok na anumang kontrabando sa kulungan ng high profile inmates.