-- Advertisements --

NAGA CITY- Buo pa rin ang tiwala ng pamunuan ng Philippine National Police sa kanilang hanay sa kabila ng isyu ng ‘ninja cops’

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Naga kay PSMSgt. Tobias Bongon, iginiit nito na totoo pa naman aniya sa sila sa kanilang mga sarili at capable sa pamumuno ng kanilang ahensya si PNP Chief Gen. Oscar Albayalde.

Subalit hindi naman naitago ni Bongon na kahit papano nakakalow- morale aniya ito sa parte ng ahensya, subalit hindi na aniya magiging sagabal ito dahil gagawin naman aniya nila ang kanilang mandato.

Samantala, sa kabila ng nasabing isyu, sinigurado ni Bongon na magpapatuloy aniya ang kanilang kampanya sa paglaban sa kriminalidad at ilegal na droga.