-- Advertisements --

Kinumpirma ni PNP Chief Gen. Debold Sinas na sinampahan na ng kaso ng PNP Calabarzon ang siyam na indibidwal na nakatakas sa ikinasang regionwide Police operations na ikinasawi ng siyam na katao na pinaniniwalang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG).


Ayon kay PNP Chief Gen. Debold Sinas, bukod sa mga nakatakas sinampahan din nila ng kaso ang mga inarestong indibidwal.

Sa ngayon hindi pa inilalabas ng PRO-4A ang mga identities ng mga namatay at nahuli sa kanilang operasyon.

Nanindigan naman si PNP Chief na legitimate ang kanilang operasyon dahil covered ang mga ito ng search warrants.

-- Advertisement --

Tumanggi namang mag komento si PNP chief sa naging pahayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra na nadismaya ito sa ikinasang police operation kung saan may mga indibidwal ang nasawi na maaari naman sana na maiwasan na magkaroon ng fatality.

Sinabi ni Sinas, iba na kasi ang sitwasyon kapag nasa ground na ang mga tropa at nahaharap sa malaking banta.