Bumuo na ng tracker teams ang Philippine National Police para sa pag-aresto kay self proclaimed son of God Pastor Apollo Quiboloy.
Ito ay matapos na maglabas na ng arrest warrant ang korte laban sa kaniya kaugnay pa rin sa mga kasong child abuse na kaniyang kinakaharap.
Sa isang pahayag sinabi ni Police Regional Office 11 Director, PBGen. Alden Delvo na kinakailangang personal na humarap si Quiboloy upang maproseso ang kaniyang warrant.
Kaugnay nito ay Umaasa aniya siyang lulutang din sa lalong madaling panahon ang akusadong Pastor upang harap in ang inilabas na warrant of arrest ng Davao City Regional Trial Court laban sa kaniya.
Samantala, naniniwala naman ang opisyal na nananatiling nasa Pilipinas pa rin si Quiboloy at ang binuo aniya nilang tracker team ay layunin tuntunin ang kinaroroonan nito bilang bahagi pa rin ng Standard Operating Procedure ng PNP.
Matatandaan na kahapon ay nakapaglagal na ng piyansa ang tatlong salimang kasama Han ni Quiboloy matapos sumuko ang mga ito sa mga otoridad.