-- Advertisements --

Pinalakas pa ng Philippine National Police (PNP) ang kanillang sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Bureau of Corrections (BuCor) para matutukan ang galaw ng mga nakakulong na drug traffickers na patuloy sa kanilang drug transaction kahit nasa loob ng kulungan.

Ginawa ng PNP ang nasabing hakbang, matapos makuhanan ng P6.9 milyon halaga ng iligal na droga ang isang detainee sa Cebu City Jail sa ikinasang buy bust operation.

Ayon kay PNP Chief General Guillermo Eleazar, hindi nauubusan ng ng paraan ang mga sindikato sa pagbebenta ng ilegal na droga kaya hindi rin sila nauubusan ng diskarte para hulihin sila.

“Hindi nauubusan ng paraan ang mga sindikato sa pagbebenta ng ilegal droga kaya hindi rin po tayo nauubusan ng diskarte para hulihin sila. Meron na tayong existing partnership with the BJMP and the BuCor at lalo natin itong palalakasin para hindi na mabigyan ng oportunidad ang mga nahuli nating drug trafficker na patuloy na magbenta ng droga,” wika ni Eleazar.

Sinabi pa ni PNP Chief , sinimulan na nila sa Bilibid noon ang pagtutok sa mga drug traffickers pero mas lalo pa raw nilang pai-igtingin ngayon kasama ang BJMP at BuCor.

Pinuri naman ni PNP Chief ang Cebu City Police dahil sa pagkakaaresto sa dalawang suspek sa isinagawang buy bust operation na aniya may koneksyon sa mga inmate sa Cebu City Jail para sa drug transactions.

Utos namam ni Eleazar sa mga local police na magsagawa ng imbestigasyon para matukoy kung may mga tauhan ang inmates na patuloy nakakapagsagawa ng drug transactions.

Siniguro din ni PNP Chief na hindi nila hahayaan na mapaglaruan sila ng mga drug syndicate.

“Naumpisahan na natin ito sa Bilibid noon, lalo nating pai-igtingin ngayon kasama ang BJMP,” dagdag pa ni Eleazar.