Pinapahalagahan pa rin ng PNP ang mga naging pahayag ni Peter Joemel Advicunla ang nagpakilalang “Bikoy” sa video na unang nag-uugnay kay Pangulong Rodrigo Duterte at kaanak nito sa iligal na droga.

Ayon kay National Capital Region Office (NCRPO) chief Major General Guillermo Eleazar, kung sakaling kasinungalingan ang ibang pahayag ni Advincula ay may mga mapupulot silang mga impormasyon na maaaring magamit sa mga susunod na imbestigasyon.

Hindi aniya mahalaga kung sa mga pabago-bagong pahayag niya na unang binabanatan ang kasalukuyang administrasyon o oposisyon ay kanila pa ring pag-aaralan ito.

Nauna rito nakalaya na si Advincula matapos na ito ay magpiyansa nitong nakalipas na Sabado dahil sa mga kasong kinakaharap niya mula sa Baguio Regional Trial Court.