Makikipagtulungan ang Philippine National Police (PNP) sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ngayon para sa pagpapaigting pa sa pagpapatupad ng peace and order sa bansa sa pamamagitan ng mas mahigpit na police visibility.
Sa gitna ito ng patuloy na pagtaas ng aktibidad ng mga Pilipino sa bansa ngayong nagsimula na ang “ber” months.
Ayon kay PNP chief PGen. Rodolfo Azurin Jr., nakipag-usap na siya kay AFP Chief of Staff Lt. Gen. Bartolome Bacarro para sa augmentation ng AFP at PNP mahigpit na seguridad sa Pilipinas.
Dagdag pa ni Azurin, posibleng isagawa nalang nila ang kanilang deployment sa pamamagitan ng “buddy system” kung saan magsasama ang isang pulis at isang sundalo sa pagpapatrolya.
Sa ngayon ay wala pang takdang araw sa pagpapatupad ng naturang hakbang ngunit susubukan aniya nila na magkaroon ng mas maagang deployment bago ang Undas.