-- Advertisements --

Tiniyak ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na mananagot ang rebeldeng New Peoples Army (NPA) na nasa likod ng pag-atake sa Borongan, Eastern Samar na ikinasawi ng anim na sundalo habang 20 ang sugatan.

Ayon kay PNP spokesperson BGen. Bernard Banac, naka alerto ngayon ang PNP at militar sa nasabing rehiyon habang nagpapatuloy ang manhunt operations laban sa mga salarin.

Nagsasagawa ng focused military operation ang mga tropa ng 14th Infantry Battalion ng makasagupa nito ang nasa 50 armadong miyembro ng NPA.

Habang naglalabanan, sumabog ang nakatanim improvised explosive device (IED).

Inatasan na ni PNP OIC Lt Gen.Archie Gamboa ang regional police director ng region 8 na palakasin ang seguridad at law enforcement operations para mapanagot sa batas ang mga suspek.