-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Aabot na sa pito ang bilang ng mga suspek sa pagmaltrato na nagresulta sa pagkamatay ni Cadet 4th Class Darwin Dormitorio sa loob ng Philippine Military Academy (PMA).

Inihayag ito ni Police Regional Office-Cordillera Regional Director Police B/Gen. Israel Iphraim Dickson.

Gayunpaman, hindi pa naipagbibigay-alam sa publiko ang identity ng ika-pitong suspek.

Nitong Biyernes ay kinumpirma ni Dickson na sumuko sa mga otoridad ang ika-anim na suspek sa kaso ni Dormitorio.

Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan ang Bombo Radyo Baguio para sa identity ng iba pang suspek.

Una nang nakilala ang tatlo sa pangunahing suspek na sina 3rd Class Cadet Felix Lumbag Jr., 3rd Class Cadet Shalimar Imperial at Cadet 1CL Axl Rey Sanopao,

Sinabi ni Dickson na maliban sa kasong administratibo at kriminal ay makakasuhan din ng paglabag sa Anti-Hazing Law of 2018 ang mga suspek.

Inaasahang bukas, huling araw ng Setyembre, ay maisasampa na ang kaso laban sa mga suspek.