cardema
Cardema

Kinumpirma ng pamunuan ng Philippine Military Academy (PMA) na hindi aalisin bilang miyembro ng Board of Advisers ng PMA si dating National Youth Commission (NYC) Chairman Ronald Cardema.

Ayon kay PMA spokesperson Maj. Reynan Afan, kinuha nilang miyembro ng advisory board si Cardema noong buwan ng Mayo habang siya ang chairman ng NYC.

Paliwanag ni Afan, batay sa kanilang panuntunan, mananatili sa puwesto si Cardema hanggang Mayo 2021.

Dagdag pa nito, bilang adviser hihingin ng PMA ang kanilang mga payo at rekomendasyon kung kinakailangan.

Nilinaw din nito na walang natatanggap na sahod ang isang adviser.

Si Cardema ay dating plebo ng PMA noong 2006 subalit pinatalsik din sa akademiya makaraan niyang kondenahin ang ginawang pagpatay umano ng militar sa kaniyang tiyuhin na opisyal ng BAYAN Southern Tagalog.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here