Memorable at meaningful para kay PNP chief police Director General Ronald dela Rosa ang PMA alumni homecoming ngayong taon.

Aniya, ito ang unang pagkakataon na dumalo siya bilang PNP chief.

Ito na rin aniya ang huling pagkakataon na siya ay dadalo bilang active member ng PMA dahil sa susunod na alumni ay sibilyan na siya.

Si Dela Rosa ay nakatakdang mag retiro mula sa kanyang serbisyo sa Enero sa susunod na taon.

Samantala, hindi na ikinabigla ng heneral na gawing honorary member ng PMAAAI si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Dela Rosa ay hindi na siya surpresa sa pag-adopt sa pangulo dahil kilalang malapit ang pangulo sa organisasyon.

Naniniwala naman ang PNP chief na lalo pang pagiigihan ng mga pulis ang kanilang trabaho ngayong honorary member na ng PMAAAI ang pangulo dahil mas nakakahiya na sa kanilang hanay kung hindi nila mas pagiigihan ang kanilang trabaho.