-- Advertisements --
Hinikayat ni United Kingdom Prime Minister Boris Johnson ang mga kasama nito sa G7 countries na bumangon muli pagkatapos ng nararanasang COVID-19 pandemic.
Sa kaniyang virtual na talumpati bilang siya ang host ng nasabing summit, nararapat na lamang na bumangon ang mga bansa lalo na at maraming bansa na ang nakabili ng bakuna laban sa virus.
Tiniyak din ito ang pakikipagtulungan sa World Health Organization (WHO) para mas mapabilis ang paggawa ng bakuna at pag-distribute nito.
Inanunsiyo din nito ang pagtaas ng financial commitments na umaabot sa $7.5 billion.