Suportado ni Camarines Sur Representative LRay Villafuerte ang plano ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na gawing legal ang operasyon ng mga small scale-mining sa bansa at magdeklara ng mas maraming Minahang Bayan areas nationwide.
Ayon kay Villafuerte ang naturang hakbang ay mas magiging epektibo sa pag monitor sa mga small scale mining operations at ma protektahan din ang ating kalikasan.
Naniniwala din ang mambabatas na isa din itong paraan para mapigilan ang small scale illegal mining activities.
Inihayag ni DENR Secretary Ma. Antonia Yulo-Loyzaga na kakaunti lamang ang Minahang Bayan sites ang naideklara sa buong bansa bunsod sa umiiral na batas ang Republic Act 7076 ang ‘Peoples Small-Scale Mining Act.”
Ayon sa Kalihim nasa 50 Minahang Bayan areas ang legal na nag-ooperate sa bansa.
Siniguro din ng DENR na makikipag-ugnayan sila sa mga local government units at concerned agencies para sa full implementation ng RA 7076.
Sa ilalim ng nasabing batas pinapayagan ng gobyerno ang joint venture sa mga small -scale miners na mag mimina sa isang maliit na mineral lands sa pamamagitan ng manual labor at hindi gagamit ng mga pampasabog o mga heavy equipment.
Iminungkahi din ni Villafuerte sa DENR na i-streamline ang proseso sa pag-isyu ng mga business permit registration ng sa gayon mahikayat ang mga small-scale miners para maging legal ang kanilang operasyon.