Pinaburan ng Land Transportation Office (LTO) ang panukalang paggamit ng special plates para sa mga e-vehicle sa bansa.
Dito ay aatasan ang naturang tanggapan na gumawa ng mga kinakailangang plaka upang humikayat sa mga mamamayan na magmay-ari nito, dahil mas environment friendly ang mga iyon kaysa sa karaniwang sasakyan.
Pero sinabi ni LTO Chief Vigor Mendoza II, idadaan pa rin ito sa konsultasyon kay kay Transportation Sec. Jaime Bautista.
Para sa pinuno ng LTO, napapanahon na ang panukala bilang pagkilala na rin sa mga e-vehicle bilang normal na sasakyang maaaring gamitin, kaakibat ng responsableng paggamit nito sa mga lansangan.
Maliban pa ito sa layuning mapadali ang pagtukoy ng mga traffic enforcers sa mga e-vehicles.
Gayunman, pag-aaralan pa kung anong materyales ang gagamitin, lalo’t kukulangin na ang regular plates, kung doon pa ito kukunin ng LTO.