-- Advertisements --
PITX

Nakamonitor ang pamunuan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange(PITx) sa pagdagsa ng mga pasahero at mga commuters ngayong long weekend.

Pagtitiyak ni PITX Corporate Affairs and Government Relations Head Jason Salvador, tinututukan nila ang kaligtasan at convenience ng mga pasahero na nagdadagsaan sa pinakamalaking terminal ng mga pampublikong sasakyan sa Metro Manila.

Sa kasalukuyan, nagtutulungan ang ibat ibang ahensya ng pamahalaan upang mabantayan ang seguridad ng mga pasahero.

Kinabibilangan ito ng Department of Transportation, Metropolitan Manila Development Authority, Inter-Agency Council for Traffic, at Parañaque City Traffic Management Office.

Ayon kay Salvador, una na nilang ipinatupad ang ilang hakbang upang matiyak na mas mabuti ang kabuuang travel experience ng mga mananakay.