-- Advertisements --

‎Binalaan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ang mga kasapi ng Bureau of Fire Protection (BFP) na sangkot sa kurapsyon na tigilan na ang kanilang ginagawa.

‎Ito ay dahil sa magkasunod na insidente ng pagkakaaresto ng ilang opisyal ng BFP dahil sa pangingikil sa mga aplikante.

‎Panawagan pa ni Remulla na hindi siya titigil hanggang hindi mapanagot ang mga BFP personnel na sangkot sa kurapsyon.

‎Mas maigi na aniya na lumantad na ang mga ito dahil tiyak na masasampahan sila ng kaukulang kaso.