-- Advertisements --
image 69

Hindi bababa sa pitong estudyanteng babae ang nalunod at binawian ng buhay matapos na tumaob ang sinasakyang bangka sa Guinea

Sa isang pahayag, kinumpirma ni Guillame Hawing, minister for literacy and pre-university education ang naturang insidente.

Batay sa report, ang mga kabataang babae ay tumawid sa ilog ng Niger sa hilagang silangan ng Guinea sa West Africa upang kumuha ng kanilang entrance exam para sa nalalapit na pasukan.

Sa paunang imbestigasyon ,lumalabas na overloading ang pangunahing dahilan kaya lumubog ang bangkang kahoy sakay ang mga mag-aaral.

Hindi umano kinaya ng bangka ang bigat ng mga estudyante at ang mga sakay nitong kagamitan.

Patuloy namang nagsasagawa ng retrieval operation ang mga kinauukulan upang mahanap ang higit pang bangkay sa naturang insidente.