-- Advertisements --
Nagtala ng hindi kanais-nais na record sa NBA ang Detroit Pistons.
Sila na ang opisyal na koponan na mayroong pinakamahabang pagkatalo.
Umabot sa 27 na magkakasunod na pagkatalo ang naitala ng koponan ngayong 2023-2024 NBA season.
Noong nakaraan ay nakatabla sila ng 2010-2011 na Cleveland Cavaliers at 2013-2014 version ng Philadelphia 76ers na mayroong 26 magkakasunod na pagkatalo.
Minaliit lamang ni Pistons rookie Cade Cunningham ang nasabing record at sinabing may mga aral na dapat nilang matutunan.
Target ng koponan na maiwasan na maitala ang ika-28 pagkatalo sa susunod na makakaharap nila na Boston Celtics na mayroong record na 23 panalo at anim na talo.