-- Advertisements --

Kinumpirma ng legal team ni Vice President Sara Duterte na handa silang “definitely participate” sakaling umabot sa Senado ang impeachment trial, kahit patuloy nilang kinukuwestyon ang legalidad ng proseso sa Korte Suprema.

Ayon sa kampo ni Duterte, ituturing nilang isang “real trial” ang Senado kung doon tuluyang umusad ang kaso, at inaasahan nilang parehong prosecution at defense ang haharap.

Gayunman, sinabi ng kanilang abogado na si Atty Michael Poa na ang personal na pagdalo ng Bise Presidente ay nakadepende kung kinakailangan sa mga partikular na pagdinig, at maaaring hindi siya dumalo sa lahat ng hearings.

Samantala, patuloy na pinupuna ng depensa ang proseso sa Kamara, kabilang ang umano’y kakulangan sa dokumento at ebidensya bago ang mga hearing. Giit nila, bahagi ng kanilang karapatan ang pagkuwestyon sa Korte Suprema kung may nakikitang paglabag sa due process.

Nauna nang nagdesisyon ang House Committee on Justice na may probable cause ang impeachment complaints laban kay Duterte, na nakabatay sa mga alegasyon ng umano’y misuse of funds at unexplained wealth. (report by Bombo Jai)