-- Advertisements --

Umalma at sumagot naman sa post online si dating Senador Antonio Trillanes IV sa naging pahayag ni Davao 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte hinggil sa umano’y pananakot sa mga kongresista kaugnay ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa kanyang online post, kinuwestiyon ni Trillanes ang panawagang “hindi uurong” ng kongresista, at sinabing hindi umano ito tumutugma sa hindi pagdalo sa impeachment hearings upang ipagtanggol ang kanyang kapatid.

Binanggit din ni Trillanes ang mga lumang alegasyon laban kay Duterte, kabilang ang umano’y pagkakasangkot sa mga transaksyon kay Sammy Uy at ang panawagang silipin ang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ng kongresista.

Wala pang opisyal na tugon ang kampo ni Rep. Duterte sa naturang pahayag ni Trillanes habang nagpapatuloy ang mainit na palitan ng akusasyon kaugnay ng impeachment issue. (Report by Bombo Jai)