Nagbabala ang grupong Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) na magsasagawa ng mas malawak na tigil pasada kapag patuloy umanong magmamatigas ang pamahalaan sa deadline ng consolidation ng mga PUVs sa Disyembre 31.
Ayon kay PISTON National President Mody Floranda, kung hindi papakinggan ang kanilang kahilingan muli silang magpaplano ng isang “malapad na pagkilos”.
Nitong biyernes ang ikalawang araw ng inilunsad na tigil pasada ng grupo bilang protesta dito.
Ayon naman sa Metropilitan Manila Development Authority (MMDA) minimal lamang ang naging epekto sa mga mananakay ng unang araw ng tigil pasada dahil sa mga ipinakalat na libreng sakay.
Tiniyak din ng ahensiya na nakahanda ang pamahalaan sakaling magsagawa ng panibagong transport strike ang PISTON.
Una ng sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi na papalawagin pa ang deadline dahil 70% na ng mga operator ang nag-consolidate na.