Dadayuhin ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang Iligan City sa pagpasok ng buwan ng Abril.
Layunin nitong mabigyan ng tyansa ang mga taga Iligan na mapalitan ng bagong banknotes ang mga marumi o nasirang pera.
Ginagawa ito ng BSP dahil sa dami ng mga mamamayang may hawak ng depektibong pera na ayaw nang tanggapin sa mga tindahan.
Maaaring palitan ang sirang bills kung ito ay kulubot na, hindi maganda ang pagkaka-print, o may mga mantsa.
Qualified din para palitan ang pera kung ito ay may mga punit, butas, gasgas na kagagawan ng hayop, o nasira.
Gayunman, kailangang makikita pa rin ang serial code ng banknote na nasa gilid nito.
Para sa mga gustong magkaroon ng bank o e-wallet account, ang mga financial service providers (FSPs) ay magsasagawa ng account opening activity.
Magbabahagi rin sila ng kaalaman tungkol sa mga bagay na pinansyal o iba pang paksa hinggil dito.