-- Advertisements --

Nanawagan ang actor na si Piolo Pascual sa kaniyang mga fans na mahalin ang kalikasan.

Sa kaniyang social media account, nagbigay ng mensahe ang actor kasunod ng pagdiriwang ng 50 anibersaryo ng Earth Day.

https://www.instagram.com/p/B_OT8f7HhmS/

Ilan sa mga paraan niya ay ang pagtitipid ng paggamit ng kuryente, hindi paggamit ng mga single-use plastics at ang pagsasagawa ng zero-waste management na simula sa kaniyang bahay.

Hinikayat din nito ang karamihan na magtanim ng mga punong kahoy na makakabuti sa kalikasan.

Isa ang actor bilang ambassador ng World Wide Fund for Nature (WWF).