-- Advertisements --

Wala umanong dapat na ikabahala ukol sa posibilidad ng pagtama ng tsunami sa bansa.

Kasunod ito ng kumpirmasyon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na nagkaroon ng magnitude 7.4 na lindol sa silangang baybayin ng Honshu, Japan kaninang alas-3:52 ng hapon.

Ayon sa ulat, may lalim na 10 kilometro ang lindol.

Tiniyak ng PHIVOLCS na walang banta ng pagtaas ng alon sa Pilipinas matapos ang naturang pagyanig.

Gayunman, patuloy na mino-monitor ng mga awtoridad ang sitwasyon at nakikipag-ugnayan sa international agencies para sa karagdagang impormasyon.

Pinapayuhan ang publiko na manatiling kalmado, huwag magpakalat ng maling impormasyon, at makinig sa mga opisyal na abiso mula sa PHIVOLCS at lokal na pamahalaan.