-- Advertisements --

Nagbabala si Gregorio San Diego, chairman emeritus ng Philippine Egg Board Association (PEBA) at chairman emeritus ng United Broiler Raisers Association (UBRA), na hindi makabubuti sa mga maliliit at lokal na nag-aalaga ng manok kung ibababa pa ang kasalukuyang 40% taripa sa imported chicken.

Ayon kay San Diego, napakababa na ng farmgate price ng manok sa kasalukuyan na nasa P90 kada kilo, kaya’t wala umanong dahilan upang ibaba pa ang taripa.

Giit niya, mas makikinabang lamang ang mga nagbebenta ng imported na manok, habang lalo namang malulugi ang mga lokal na raisers.

Sa ngayon na may nararanasang krisis, dapat umano ay tulungan ang sektor na bumubuhay sa atin, habang inaalalayan ang mga direktang apektado ng masalimoot na sitwasyon ng mga manggagawa at negosyante.