-- Advertisements --

Inilunsad ng Congressional Spouses Foundation, Inc. (CSFI), sa pangunguna ng President at Chairperson na si Rep. Lani Cayetano, ang “Pinto sa Kongreso: An Art Appreciation Exhibit,” para sa isang fund-raising art exhibition sa September 23, 2019, (Lunes) 1:00 p.m. sa South Wing Lobby ng House of Representatives.

Ang nasabing art exhibit ay sa pakikipagugnayan ng Pinto Art Gallery at ito ay hanggang October 3. Kasama sa listahan ng guests of honor si Speaker Alan Peter S. Cayetano at Dr. Joven Cuanang mula sa Pinto Art. Ito ay isang proyekto na binuo ng CSFI sa 18th Congress.

“Ang Art Exhibit na ito ay simasalamin ng isang exhibit na nagpapakita ng kasalukuyang contemporary art practice, ipinapakita rin dito ang mahusay na talentong Pinoy at mainam na imahinasyon.

Ang makakalap na kita ng nasabing art exhibit ay mapupunta sa livelihood programs at projects ng CSFI,” wika ni Congresswoman Lani Cayetano.

Ang exhibit ay may presentasyon mula sa 75 sikat na mga artist sa Philippine Visual Arts.

Ang kanilang obra ay may iba’t-ibang tema, mula abstract expressions hanggang figurative depictions ng bawat tao sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay at sa fantastical representations ng surreal imagery.

Ipinapakita rin dito ang mayaman na kultura ng Pilipino at maging ng bansa.

Ang CSFI ay isang non-stock, non-profit organization na kinalalahukan ng mga asawa ng miyembro ng Kamara.

Layunin nito na suportahan ang legislative initiatives ng mga mambabatas sa pamamagitan ng pagpapatupad ng makabuluhang socio-civic projects na tumatalima sa short-term at long-term na pangangailangan ng kanilang constituents.

Ang cause-oriented organization, CSFI ay laging handa na suportahan at ilatag ang mga legislative at public service mandate ng House of Representatives at ng mga miyembro nito sa pamamagitan ng socio-civic at iba pang developmental initiatives.

Sa pakikipagtambalan ng mga government agency at iba pang organizations, ang grupo ay nakatutok din na iangat ang kapakanan ng taongbayan para sa mas maayos na pamumuhay ng Pamilyang Pilipino.