-- Advertisements --

Umabot na sa halos P7billion ang naitalang pinsala sa imprastraktura ng nagdaang Supertyphoon Egay.

Ito ay batay sa validated report ng Department of Public Works and Highways.

Batay sa datus ng nasabing ahensiya, umabot na sa kabuuang P6.94 billion ang halaga ng mga napinsalang kalsada, mga tulay, flood-control structures, at iba pang mga istraktura.

Ayon naman kay DPWH Sec. Manuel Bonoan, aabot sa 44 na mga kasada na unang napinsala ang sa ngayon ay nabuksan na ng Quick Response Team sa ibat ibang mga Rehiyon na kinabibilangan ng Cordillera, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, at maging sa Western Visayas.

Tiniyak naman ng Public Works Department na ipagpapatuloy ang clearing operations at rehabilitasyon sa mga istraktura na hindi pa nabubuksan sa publiko.

Sa ngayon kasi, umaabot pa umano sa 17 kalsada mula sa CAR, Ilocos Region, Central Luzon, at Western Visayas ang hindi pa nabubuksan, habang sampung kalsada naman sa Hilaga at Gitnang Luzon ang limitado pa ring madaanan dahil pa rin sa supertyphoon Egay at Habagat.