Umabot na sa mahigit Php1.3-billion ang halaga ng pinsala sa agrikultura at imprastrukturang idinulot ng pananalasa ng nagdaang Bagyong Goring sa Pilipinas.
Ito ang iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council sa pinakahuling datos na inilabas nito ngayong araw.
Sa naturang datos, aabot sa mahigit Php727-million na halaga ng pinsala ang naitala ng ahensya sa 37 imprastraktura sa mga lalawigan ng Ilocos Region, Cagayan Valley, Mimaropa, Western Visayas, at Cordillera Administrative Region.
Habang pumapalo naman sa 240 na mga kabahayan ang naiulat na totally damaged, at 1,138 naman ang partially damaged na magtutulak naman sa kabuuang bilang na 1,378 na mga kabahayang napinsala nang dahil sa nasabing bagyo.
Bukod dito ay nakapagtala rin ang NDRRMc ng mahigit Php623-million na halaga ng pinsala sa agrikultura sa mga rehiyon ng Cagayan Valley, Central Luzon, MIMAROPA, Western Visayas, at Cordillera Administrative Region kung saan aabot naman sa 17,801 ang mga naapektuhan na mga magsasaka at mangingisda dito.