-- Advertisements --
farmers

Pumalo sa halos P900 milyon ang pinsala sa agrikultura dahil sa habagat na pinalakas ng Bagyong Goring.

Iniulat ng Department of Agriculture (DA)-Disaster Risk Reduction Management (DRRM) Operations Center na halos dumoble ang bilang matapos makuha ang mga update mula sa Cagayan Valley at Western Visayas.

Noong Biyernes, iniulat ng DA na nasa P504.4 milyon ang pinsala sa agrikultura.

Ang bigas ay umabot sa 83.6 porsyento ng pinsala at pagkalugi.

Hindi bababa sa 34,457 na magsasaka at 34,979 ektarya ng lupang pang-agrikultura ang naapektuhan.

Sinabi ng DA na P100 milyong halaga ng palay, mais at sari-saring buto ng gulay gayundin ang mga gamot at biologic para sa mga alagang hayop at manok ang ibibigay sa mga apektadong magsasaka.

Ang mga magsasaka ay maaari ding mag-avail ng loan ng hanggang P25,000 payable sa loob ng tatlong taon na walang interes sa ilalim ng Survival and Recovery Loan Program mula sa Agricultural Credit Policy Council.

Sinabi ng kagawaran na sila ay nakikipag-ugnayan sa pamahalaan at sa local government units at iba pang tanggapan na may kaugnayan sa DRRM para sa karagdagang mga interventions at assistance.