Umakyat na sa halos P3.94 billion ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura dahil sa El Niño.
Ang mga lugar na nakapagtala ng pinsala base sa datos noong Abril 16 ay sa 11 rehiyon kabilang ang Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Davao Region, at Soccsksargen.
Bunsod nito, apektado din ang kabuhayan ng nasa 73,713 magsasaka at mangingisda.
Kabuuang 66,065 ektarya naman ng sakahan ang naapektuhan kung saa 76.87% dito ay may tiyansa pang marekober habang 23.13% naman ang hindi na mapakinabangan pa.
Kaugnay nito, nasa 162,793 MT ang naitalang production loss sa bigas, mais, high value crops at livestock.
Ang bigas ang pinakaapektadng crop na may kabuuang halaga ng nawala na P2.36 billion.
Bilang tugon naman, nakapagpamahagi na ang DA ng kaukulang interbensiyon na nagkakahalaga ng 1.09 billion na tulong para sa mga apektadong magsasaka at mangingisda gayundin ang suporta para sa produksiyon, tulong pinansiyal at pangkabuhayan at para sa water management.