-- Advertisements --
Plano ni Mamamayng Liberal Rep.-elect Leila De Lima na maging parte ng minority bloc ng House of Representatives bilang miyembro o minoriy leader.
Ginawa ni De Lima ang pahayag kasabay ng proklamasyon ng mga nananalong party-lists sa nakalipas na 2025 midterm elections.
Subalit nilinaw naman ni De Lima na kailangan muna niyang pag-aralan ang dynamics ng mga mambabatas sa 20th Congress at pag-aaralan din aniya kung anong komite ang pinakamainam na pamunuan niya bilang chairperson.
Nakatakda namang makipagpulong si De Lima sa kaalyadong grupo ng partido na kabilang sa oposisyon para planuhin ang kanilang magiging susunod na hakbang sa Kongreso.