-- Advertisements --
Tinatayang aabot sa mahigit P5-milyon ang pinsala sa mga ari-arian matapos ang naganap na sunog sa residential area sa San Jose St. ng Brgy. Guadalupe Nuevo sa lungsod ng Makati.
Nagsimula ang nasabing sunog pasado ala-siyete ng gabi at tuluyang naapula ito ng mahgit dalawang oras.
Pawang gawa sa mga light materials ang mga kabahayan kaya ito ay mabilis na natupok.
Inaalam pa ng mga otoridad ang pinagmulan ng nasabing sunog sa lugar.