-- Advertisements --

Sumipa na sa P1.31 bilyon ang halaga ng pinsala ng El Niño sa Pilipinas.

Ayon sa kay Joey Villarama, spokesperson ng Task Force El Niño, matinding El Niño pa rin ang nararanasan ngayon ng bansa.

Aniya, umaasa sila na hindi na lalaki pa ang naturang halaga ng pinsala. Kung ikukumpara kase raw sa mga nakalipas na El Niño, ay maliit pa ang halaga na ito.

Nauna na ring iniulat na limang bayan na ang sumasailalim ngayon sa state of calamity at aabot sa 60 hanggang 70 lalawigan ang inaasahang makararanas ng epekto ng naturang phenomenon hanggang Abril.

Dagdag pa ni Villarama, binabantayan na rin ang supply ng tubig, supply ng kuryente sa Metro Manila at ang health-related concerns sa buong bansa.