Malaking pinsala ang iniwan ng bagyong Goring sa mga palay, mais at high value crops.
Ayon sa Department of Agriculture, umakyat pa sa P504.4 milyon ang halaga ng pinsala na iniwan ng naturang bagyo sa sektor ng Agrikultura.
Giit ng Department of Agriculture DRRM Operations Center aabot sa 11,965 ang bilang ng magsasaka na apektado ng bagyo.
Batay sa inisyal na assessment mula DA Regional Field Offices sa Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, at Western Visayas, tinatayang nasa 21,134 metriko tonelada naman ang nasirang produksyon at napinsala ang halos 19,659 ektaryang lupain.
Ayon pa sa ahensya, asahan na tataas pa ang halaga ng pinsala dulot ng nararanasang sama ng panahon na dala rin ng bagyong Hanna.
Pagtiyak ng kagawaran ng pagsasaka, nakahanda ang ayuda nila para sa mga apektadpong magsasaka.