-- Advertisements --

Ibinahagi ni Rocksteddy frontman at host Teddy Corpuz ang nakakakilig na pag-iibigan nila ng kanyang misis na si Jasmin, kung saan inamin nito nang magkita sila ni Jasmin ay gusto niya na agad itong pakasalan.

Sa isang panayam kay Karen Davila, sinabi ni Teddy na hindi siya naniniwala sa “dating-dating muna” at gusto aniya nito na agad magpakasal kay Jasmin. Kuwento pa ng singer na nagkakilala sila sa isang birthday party ng bandmate ni Teddy, at mula noon hindi na sila naghiwalay.

Pagkatapos ng isang linggong pagiging magkasintahan, inamin ni Jasmin na balak niyang pumunta sa Amerika para sa fiancé visa, kaya nag-propose si Teddy, “Kung mahal mo ako, sasama ka sa akin.”

Ani pa ni Teddy na nagdesisyon silang magtanan at kalaunan ay nagpakasal dalawang linggo pagkatapos nila magpalagayan ng loob.

Sa ngayon nag-renew ang mag-asawa ng kanilang vows sa isang noon time show noong Oktubre 2017 bilang bahagi ng kanilang 11th anniversary.

Samantala muli naman nag-propose si Teddy sa harap ng madla, at tinanggap ni Jasmin ang kanyang alok, na naghudyat ng panibagong pagsasama para sa kanilang pamilya.