-- Advertisements --
Naibalik na sa singer at TV host na si Teddy Corpuz ang ninakaw na ipad.
Sa kaniyang social media account ibinahagi ng Rocksteddy singer ang pagbabalik ng kaniyang tablet.
Sinabi nito na mismo ang kapatid ng suspek ang nagsurrender nito sa kanilang barangay opisyal.
Dagdag pa nito na hindi na naibalik pa ang ibang ninakaw gaya ng mga singsing subalit hinayaan na lamang niya dahil ito ay peke lamang.
Magugunitang inamin ng singer na nitong Mayo 3 ng pasukin ang kaniyang bahay sa Quezon City.
Tinatayang aabot sa halos P100,000 ang kabuuang ninakaw na pera at gamit ng singer.
Ibinahagi pa ng singer ang mga kuha ng CCTV kung saan agad naman na tinungo ito ng mga barangay opisyal sa lugar.















