ANGELES CITY – Hindi naging handlang sa isang atleta ng Philippines wrestling team ang pagkakaroon ng sakit bago ang SEA Games 2019 para hindi maibulsa ang gold medal.

Sa panayam ng Bombo Radyo Kay Noel Noraga tatlong linggo bago ang pormal na pagbubukas ng SEA Games tinamaan umano siya ng sakit dahilan para maconfined ito sa hospital.

Naging mahirap umano sa kanyang sitwasyon ngunit nagpagaling ito ng husto alang ala lamang sa kanyang laban.

Habang kasalukuyan ang kanyang laban kanina sa wrestler ng bansang Indonesia na ginanap sa Angeles City, Pampanga pinapanood siya ng kanyang pamilya at sa kanila humugot ng lakas para tuluyang masungkit ang gintong medalya.

Samantala sa ngayon tatlong gintong medalya na ang nasusungkit ng Pilipinas sa larangan ng wrestling.

Nakuha ito nina Norado at Jayson Baucas sa mens category at Jain Pingot sa women’s category.

Ngayong Martes may pito pang Philippine wrestler na sasabak sa laban at umaasa na masusungkit din ng mga ito ang gold medal.
(Report by Bombo Frammy Sabado)