-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Arestado ang isang Pinoy sa Morocco dahil sa paglabag nito sa quarantine protocols sa gitna ng ipinapatupad na lockdown sa bansa dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa ulat ni Bombo International Correspondent Bong Palomar, store supervisor sa Morocco, sinabi nito na kinumpirma sa kanila ng konsulada ng Pilipinas sa Morocco.

Lumabas daw kasi ng bahay ang naturang Pilipino na walang bitbit na quarantine pass.

Gayunman, ipinagpapapasalamat naman ni Palomar na walang Pilipino na nagpositibo sa nakakamatay na sakit.

Sa Morocco, pinagmumulta ng 1,350 dirham o P8,000 o pagkakakulong ng hanggang tatlong buwan.

Sa ngayon, aabot ng hanggang 6,00 ang mga Pilipino sa Morocco, na karamihan ay pawang mga household workers.