(2nd update) Dumating na sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang convoy kung saan pinaniniwalaang lulan ng isa sa mga van si US Marines Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.
Ito’y para sa inaasahang paglipad nito pabalik ng Amerika ngayong araw, September 13, matapos mabigyan ng absolute pardon ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes.
Kahapon nang lumabas ang resulta ng kanyang swab test kung saan negatibo naman ito sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Nabatid ang nasabing COVID test result na lamang ang hinihintay para mapa-deport sa pinanggalingan nito sa Amerika.
Batay sa impormasyon, pasado alas-5:00 kaninang madaling araw ay ilang gate ang nakabukas na sa Kampo Aguinaldo kung saan nakapiit ang 25-anyos na Amerikanong dating sundalo.
Taong 2015 nang ma-convict ito sa kasong homicide dahil sa pagpatay sa Pinoy transgender na si Jeffrey Laude alyas Jennifer, habang sila ay nasa motel sa Olongapo.